He is mine but his heart isn’t

Wrong timing ba ako o maling tao lang talaga ang natipuhan ko? Kung lesson to, bakit sa ganitong paraan pa? Bakit kailangan pa ulit-ulit na akong ang pangalawa? Bakit sa pitong-bilyong tao, bakit ako pa?
Apat na tanong, walang ni isang sagot Ang hirap kasi, pa ulit-ulit nalang Yung akala mo sayong sayo siya pero deep inside hindi pala Mahirap nangang tanggapin, ang sakit-sakit pa.
Bakit mo pa ako niligawan eh hindi ka pa pala na ka get over sa kanya Hindi naman ako yung tipong unlimited tanga At mas lalong hindi ako yung tipong okay lang kahit ang sakit-sakit na nakakainis lang talaga, yung seryoso ka tapos may kahati pala.
Sabi mo wala lang siya, tapos na siya, kaibigan na lang siya Pero bakit sa pagbigkas mo sa kanyang pangalan may kakaiba May ningning sa iyong mga mata at ang mga labi hanggang tenga Hindi kami praning, sadyang malakas lang ang pandama.
Sana nung una bago ang lahat, inamin mo na Na siya pa, nag mo move-on ka pa, nasasaktan ka pa Hindi naman ako desperada na agad angkinin ka Nananahimik lang ako pero dumating ka.
Binuhay-buhay mo yung puso ko pero papatayin mo rin pala sa huli Ang labo mo, mas malabo pa sa paningin ko Umalis ako hindi dahil ayoko na, kundi hindi ko na kaya Akala ko kasi akin ka, hindi pala.

Leave a comment